Lambingan Hills, Tanay Rizal

Ang pinakabagong tourist spot ng Tanay sa Barangay Cuyambay, ang Lambingan Hills. Halina at ating tuklasin ang itinatagong ganda ng Lambingan Hills.

larawan kuha mula sa facebook

Makikita rito ang flower garden na kakikitaan ng iba’t ibang mga uri ng bulaklak na talaga namang nakakahalina sa tuwi tuwina.

Sunod naman ay mayroong campsite kung saan maaaring mag overnight camping at magstargazing sa gabi.

Pagsapit ng gabi ay matatanaw rito ang bilyon bilyong mga butuin sa kalangitan.

larawan kuha mula sa facebook

Kung sa umaga’y maganda na sa Lambingan, mas maganda sa gabi, maaari ka ring mag munimuni habang nakatingin sa alapaap at sa mga bituin na kumikislap.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started